Wednesday, March 7, 2007

Kailan

Friends Of Ryan: Sweet, Melanie & Tisay

Bakit kaya nangangamba sa tuwing ika'y nakikita?
Sana nama'y magpakilala
Ilang ulit nang nagkabangga,
Aklat kong dala'y pinulot mo pa
Di ka pa rin nagpakilala
Bawat araw sinusundan
Di ka naman tumitingin
Ano'ng aking dapat gawin?

Bakit kaya umiiwas, binti ko ba'y mayro'ng gasgas?
Nais ko nang magpakilala
Dito may'ron sa puso ko
Munting puwang laan sa iyo
Maari na bang magpakilala?
Bawat araw sinusundan
Di ka naman tumitingin
Ano'ng aking dapat gawin?

Kailan, kailan mo ba mapapansin ang aking lihim?
Kahit ano'ng aking gawin,
'Di mo pinapansin
Kailan, kailan hahaplusin ang pusong bitin na bitin
Kahit ano'ng gawing lambing, 'di mo pa rin pansin

(Instrumental)

Dito may'ron sa puso ko
Munting puwang laan sa iyo
Maari na bang magpakilala?
Bawat araw sinusundan
Di ka naman tumitingin
Ano'ng aking dapat gawin?

Kailan, kailan mo ba mapapansin ang aking lihim?
Kahit ano'ng aking gawin,
'Di mo pinapansin
Kailan, kailan hahaplusin ang pusong bitin na bitin
Kahit ano'ng gawing lambing, 'di mo pa rin pansin
Kahit ano'ng gawing lambing, 'di mo pa rin pansin

Sometime, Somewhere

Performed by Cocoy Laurel

We speak but the words we say mean nothing
We smile but the smiles we give are wanting
We look upon each other's eyes,
No spark, no glow, no real signs, but we both know
This is all for show

Until that sometime, somewhere,
We could show the world we have each other
Sometime, somewhere, we need not hide our feelings
We just keep on believing
That we both have the time together
Sometime and somewhere, our lips would be free at last
To say the words we've hungered to say
And we won't have to worry, we smile, we won't say sorry
One look and we have cast our fears aside

Sometime, that sometime we'll turn to forever for all time
Somewhere, our somewhere would not be just one place but everywhere

Until that sometime, somewhere,
We just have to be content with stealing glances
Somehow, content with saying nothing, smiles that are always wanting
Though deep inside it hurts because we know that our love,
Like love is what it is, it's what we got
Our love, like love will have to wait until that sometime, somewhere

Nais Ko

Performed by FrancisM

Nais kong maihip ng hanging walang patutung'han
Parang ibong wala ring hangarin kundi ang lumipad nang lumipad
Nais kong lumipad

Nais ko ring maagos ng alon saan man mapadpad
Kahit na isdang mumuntiin, hangari'y lumangoy nang lumangoy
Nais kong lumangoy

Nais kong malibot ang mundo sa kanyang kasuluk-sulukan
Nais kong makita ang paligid kong puno ng kagandahan
Nais kong makadama ng kakaibang damdamin kahit minsan man lang
Habang ako ay may buhay, wala nang hangarin pang tunay
Nais ko...nais ko...nais ko...

Nais kong maulit muli ang buhay
Kung may pagkakataon upang mamalas
Ang mga bagay-bagay na 'di ko natanto sa aking buhay
Nais kong lumipad(5X)

Tuwing Umuulan At Kapiling Ka

Performed by Eraserheads

Pagmasdan ang ulan,
Unti-unting pumapatak sa mga halama't mga bulaklak
Pagmasdan ang dilim,
Unti-unting bumabalot sa buong paligid t'wing umuulan

Kasabay ng ulan bumubuhos ang 'yong ganda,
Kasabay rin ng hanging kumakanta
Maari bang huwag ka na
Sa piling ko'y lumisan pa hanggang ang hangi't ula'y tumila na

Buhos na ulan, aking mundo'y lunuring tuluyan
Tulad ng pag-agos mo,
'Di mapipigil ang puso kong nagliliyab
Pag-ibig ko'y umaapaw,
Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka

Pagmasdan ang ulan,
Unti-unting tumitila
Ikaw ri'y magpapaalam na
Maari bang minsan pa, mahagkan ka't maiduyan pa
Sakbibi ka't ulan lamang ang saksi

Minsan pa ulan bumuhos ka't h'wag nang tumigil pa
Hatid mo ma'y bagyo, dalangin ito ng puso kong sumasamo
Pag-ibig ko'y umaapaw,
Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka
(Oooohhh)

(Instrumental)

Maari bang minsan pa, mahagkan ka't maiduyan pa
Sakbibi ka't ulan lamang ang saksi

Buhos na ulan, aking mundo'y lunuring tuluyan
Tulad ng pag-agos mo,
'Di mapipigil ang puso kong nagliliyab
Pag-ibig ko'y umaapaw,
Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka

Minsan pa ulan bumuhos ka't h'wag nang tumigil pa
Hatid mo ma'y bagyo, dalangin ito ng puso kong sumasamo
Pag-ibig ko'y umaapaw,
Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka

Kahit Ika'y Panaginip Lang

Performed by Agot Isidro

Hatinggabi, gising pa't naghihintay
'Di maidlip at nagbibilang ng tala
Sa karamihan nito'y mayro'ng isang natatangi
At sa tuwing tatanawi'y mukha mo'ng nasa sa isip

Ewan ko ba bakit ka nagpakita pa
Sa panaginip, sana'y mamasdan ka sa t'wina
Kahit na 'di na gumising pa, h'wag lang malayo sa piling mo
Iniibig kahit ika'y panaginip lang

(Instrumental)

(Sa karamihan nito'y mayro'ng isang natatangi
At sa tuwing tatanawi'y mukha mo'ng nasa sa isip)

Ewan ko ba bakit ka nagpakita pa
Sa panaginip, sana'y mamasdan ka sa t'wina
Kahit na 'di na gumising pa, h'wag lang malayo sa piling mo
Iniibig kahit ika'y panaginip lang...
Iniibig kahit ika'y panaginip lang

Paraiso

Performed by Lea Salonga

Return to a land called Paraiso
A place where a dying river ends
No birds there fly over Paraiso
No space allows them to endure

The smoke that screens the air
The grass that's never there
And if I could see a single bird, what a joy
I try to write some words and create a single song
To be heard by the rest of the world

I live in this land called Paraiso
In a house made of cardboard floors and walls
I learned to be free in Paraiso
Free to claim anything I see

Matching rags for my clothes
Plastic bags for the cold.
And if empty cans were all I have, what a joy
I never fight to take someone else's coins
And live with fear like the rest of the boys

Paraiso, help me make a stand
Paraiso, take me by the hand
Paraiso, make the world understand
That if I could see a single bird, what a joy
This tired and hungry land could expect
Some truth and hope and respect from the rest of the world

(Instrumental)

And if empty cans were all I have, what a joy
I never fight to take someone else's coins
And live with fear like the rest of the boys

Paraiso, help me make a stand
Paraiso, take me by the hand
Paraiso, make the world understand
That if I could see a single bird, what a joy
This tired and hungry land could expect
Some truth and hope and respect from the rest
Of the world...

Paraiso, help me make a stand
Paraiso, take me by the hand
Paraiso, make the world understand
That if I could see a single bird, what a joy
This tired and hungry land could expect
Some truth and hope and respect from the rest
Of the world...

Mamang Kutsero

Performed by Apo Hiking Society

Mamang kutsero
Sasakay po kaming magkasintahan sa kalesa n'yo
At lalakbay po saan man gusto,
Mula sa Luneta hanggang sa Ermita

Mamang kutsero
Nadama ko, kamay ng aking nobya sa balikat ko
'Wag pong lilingon, baka mabangga pa tayo

O kay sarap mabuhay nang kay lumanay
Katulad ng kalesang kay bagal-bagal
Wala kang problemang mababangga
Kung dahan-dahanin, marami ang ani

O, mamang kutsero, naiinggit ako
Sa kabayo't techni-color na kalesa n'yo
Kung nais n'yo magpalit na tayo,
Sa akin ang kalesa,
Inyo na ang nobya ko.

(Instrumental)

Kay sarap mabuhay nang kay lumanay
Katulad ng kalesang kay bagal-bagal
Wala kang problemang mababangga
Kung dahan-dahanin, marami ang ani

O, mamang kutsero, naiinggit ako
Sa kabayo't techni-color na kalesa n'yo
Kung nais n'yo magpalit na tayo,
Sa akin ang kalesa,
Inyo na ang nobya ko.

Kung nais n'yo magpalit na tayo,
Sa akin ang kalesa,
Inyo na ang nobya ko.

One Upon a Life

Performed by Jay Cayuca

Once upon a life, we said we'd separate for a while
And you would live a different life,
And I, a different style
We broke the bond that made us one
And when that foolish thing was done
I lost you and you lost me
And we asked what we had won

Once upon a life, there was no you
There was no me for you and I were one as we were really meant to be
Once upon a life, we saw tomorrow, that's today
And we are one again and that's the way we'll always stay
Once upon a life

Minsan ang Minahal ay Ako

(From The Musical "Katy")
Performed by Celeste Legaspi

Ano na lang 'yung 'sang sandali na makatikim ng pagmamahal
Matapos ang luhang ipinagpalit?
Ang sandali, 'di naman magtagal, ang yakap mo'y hahanap-hanapin
Akala ko ang mundo na ay akin, ngunit hindi pala ganyan
Kay bilis makalimutan na minsan ang minahal ay ako

Ano na lang 'yung kaunting pasakit kung katumbas ay pagmamahal?
Pag-ibig mo ay aking langit, kahit buhay ko ay handang isugal
Ang himig mo'y aking aawitin habang ako'y kakailanganin
At kung ako'y iyong saktan, ito ma'y gagawing dahilan
'Pagkat minsan ang minahal ay ako

Ang lingap mo ay hahanap-hanapin sa entabladong minsan ay sa akin
At kung ako ay malimutan, kahit sa awit ko man lamang
Iyo sanang matandaan bago tuluyang lumisan na minsan ang minahal ay ako

Ang lingap mo ay hahanap-hanapin sa entabladong minsan ay sa akin
At kung ako ay malimutan, kahit sa awit ko man lamang
Iyo sanang matandaan bago tuluyang lumisan na minsan ang minahal ay ako

Magbalik ka na Mahal

(From The Musical "Rama Hari")
Performed by Kuh Ledesma


Bawat patak man ng ulang masimsim
Ay lagyan ng talim, ako ay sasayi
'Di ko iindahin ang ulos at hiwa ng mumunting patalim

Ang iyong kalinga ay kanlungang matibay
Lihim nito ay langit na aking tanggulan
'Pag ito'y natiklop, lalantahin ng araw,
Lulunurin ng unos ang marupok kong buhay

Aking hihintayin ang iyong pasabing nagbalik ka na mahal

(Instrumental)

Ang iyong kalinga ay kanlungang matibay
Lihim nito ay langit na aking tanggulan
'Pag ito'y natiklop, lalantahin ng araw,
Lulunurin ng unos ang marupok kong buhay

Aking hihintayin ang iyong pasabing nagbalik ka na mahal

Iduyan Mo

Performed by Grace Nono

Iduyan mo ang duyan ko
Unti-unting itulak mo at babalik sa isip ko
Nang dati na sa kandungan mo

Iduyan mo ang duyan ko
Unti-unting itulak mo at pakikinggan ang awit mo
Sa liwanang ng buwan mahihimbing ako

Iduyan mo ang duyan ko
Unti-unting itulak mo at mananaginip habang mundo'y tahimik
Tila agilang pilit maabot ang langit

Iduyan mo ang duyan ko
Unti-unting itulak mo at kung maaaring pihitin ang mundo pabalik,
Sana'y iduyan mo ang duyan ko muli

(Instrumental)

Iduyan mo ang duyan ko
Unti-unting itulak mo at kung maaaring pihitin ang mundo pabalik,
Sana'y iduyan mo ang duyan ko muli

Tunay na Ligaya

Performed by Ariel Rivera

'Di ko pansin ang kislap ng bituin 'pag kapiling ka sinta
Kahit liwanag ng buwan sa gabi, 'di ko na nasisisita
Iisa lang ang naghaharing tala sa mundo
Tanging ikaw ang liwanag sa buhay ko

'Di ko pansin ang bango ng hasmin 'pag kapiling ka sinta
Kahit ga-dagat ang dami ng rosas hindi matataranta
Iisa lang ang nagtataglay ng halimuyak
At ikaw nga, tanging ikaw sinta

Ikaw ang tunay na ligaya, tanging ikaw sinta
Umaga, hapon, kahit magdamag, laging ikaw sinta
Hindi magsasawa sa piling mo

'Di ko pansin ang bawat sandali 'pag kapiling ka sinta
Bagyo't ulan, kidlat at kulog man, 'di napapansin sinta
Iisa lang ang hinihiling kong kasagutan,
Ang ngayon at kailanma'y makapiling ka

Ikaw ang tunay na ligaya, tanging ikaw sinta
Umaga, hapon, kahit magdamag, laging ikaw sinta
Hindi magsasawa sa piling mo
Ikaw ang tunay na ligaya, tanging ikaw sinta
Umaga, hapon, kahit magdamag, laging ikaw sinta
Hindi magsasawa sa piling mo
(Ohhhh...ooohhh)

Hindi magsasawa sa piling mo
Ikaw ang tunay na ligaya, tanging ikaw sinta
Umaga, hapon, kahit magdamag, laging ikaw sinta
Hindi magsasawa sa piling mo

Tanging ikaw...
Hindi magsasawa sa piling mo...

Araw Gabi

Performed by The Company

'Di biro ang sumulat ng awitin para sa 'yo
Para aking isang sira-ulong hilo at lito
Sa akin pang minanang piyano tiklado'y pilit nilaro
Baka sakaling mayroong tonong bigla na lang uusbong
Tungkol sa ano mang kayang awitin para sa 'yo

'Di biro ang gawing sukat ang titik sa tono sampu man aking diks'yonaryo
Kung ang tugma'y 'di wasto, basta't isiping 'di magbabago
Damdamin ko sa iyo

Araw-gabi nasa isip ka
Napapanaginip ka kahit sa'n man magpunta
Araw-gabi nalalasing sa tuwa kapag kapiling ka
Araw-gabi tayong dal'wa

Biruin mong nasabi ko ang nais kong ipahatid
Dapat mo nang mabatid laman nitong dibdib
Tila sampung daang awitin
Natapos kong likhain
Ito ang tunay na damdamin
Tanggapin at dinggin

Araw-gabi nasa isip ka
Napapanaginip ka kahit sa'n man magpunta
Araw-gabi nalalasing sa tuwa kapag kapiling ka
Araw-gabi tayong dal'wa

Araw-gabi...
Tayong dal'wa...
(Araw-gabi nasa isip ka
Napapanaginip ka kahit sa'n man magpunta)
Araw-gabi nalalasing sa tuwa kapag kapiling ka
Araw-gabi tayong dal'wa
Oooohhh...

Liman-dipang tao / Limandipang tao

Performed by Lea Salonga

Liman-dipang taong nagtutulakan
Sa Avenidang aking napagdaanan.
Nag-aabang ng masasakyan
Patungo kung saan 'di ko malaman.

Sa aking d'yipning sinasakyan
Mayroong natanaw na mama.
Sa dinami-raming nagdaraan
Ikaw pa ang nakita.

Ikaw pa ang nakita,
May kasamang dalaga.
Para, mama, dito na lang,
Bababa na ako.

Para mama, dito na lang,
Heto ang bayad ko.
Para na sabi, para na sabi,
Para mama, para na d'yan sa tabi.

Liman-dipang taong nagtutulakan
Ang dinaanan ko sa paghabol sa 'yo.
Tinatanaw ang pag-akay mo
Sa dalagang pinagseselosan ko.

Sa pagmamadali'y nadapa ako
Sa bangketang kinatatayuan n'yo.
Lumapit ka at tinulungan ako
At kita'y tinitigan, mga mata'y nagkabanggaan.
Ano ba itong naramdaman?(ano ba itong naramdaman)

Sorry mama, pasens'ya ka na,
Akala ko'y asawa kita.
Sorry mama, pasens'ya ka na,
Sorry't naabala ka pa
Sorry na sabi, sorry na sabi.
Sorry mama, sorry't napagkamalan ka.

Liman-dipang taong nagtutulakan
Sa Avenidang aking kinatatayuan.
Nag-aabang ng masasakyan
Patungo kung saan 'di ko malaman.

Liman-dipang taong nag-uunahan
Sa uunting sasakyang nagdaraan.
Sayang ang d'yipning kanina'y lulan
At ngayo'y nagsisisi sa aking pagbubusisi.
Malaking pagkakamali!

Para mama, sasakay po,
Liman-dipang taong nagtutulakan.
Para mama, sasakay po,
Liman-dipang taong nag-uunahan.

Para na sabi, para na sabi,
Para mama, para na d'yan sa tabi.
Para na sabi, para na sabi
Para mama, para na d'yan
Para na d'yan sa tabi

Para na d'yan, para na d'yan
Oohh-ahh d'yan sa tabi, mama
Para na d'yan, mama
Para na d'yan, mama
Para na d'yan

Kumukutikutitap

Kumukutikutitap, bumubusibusilak
Ganyan ang indak ng mga bumbilya
Kikindat-kindat
Kukurap-kurap
Pinaglalaruan inyong mga mata

Kumukutikutitap, bumubusibusilak
Ganyan ang indak ng mga bumbilya
Kikindat-kindat
Kukurap-kurap
Pinaglalaruan inyong mga mata

Iba't-ibang palamuti
Ating isabit sa puno
Buhusan ng mga kulay
Tambakan ng mga regalo

Tumibok-tibok, suminok-sinok
Huwag lang malundo sa sabitin
Pupulupot-lupot
Paikot nang paikot
Koronahan ng palarang bituin

Dagdagan mo pa ng kendi
Ribon, eskosesa't guhitan
Habang lalong dumadami
Regalo mo'y dagdagan

Kumukutikutitap, bumubusibusilak
Ganyan ang kurap ng mga bituin
Tumitibok-tibok, sumisinok-sinok
Koronahan mo pa ng palarang bituin

Dagdagan mo pa ng kendi
Ribon, eskosesa't guhitan
Habang lalong dumadami
Regalo mo'y dagdagan

Kumukutikutitap, bumubusibusilak
Ganyan ang kurap ng mga bituin
Tumitibok-tibok, sumisinok-sinok
Koronahan mo pa ng palarang bituin