Kumukutikutitap, bumubusibusilak
Ganyan ang indak ng mga bumbilya
Kikindat-kindat
Kukurap-kurap
Pinaglalaruan inyong mga mata
Kumukutikutitap, bumubusibusilak
Ganyan ang indak ng mga bumbilya
Kikindat-kindat
Kukurap-kurap
Pinaglalaruan inyong mga mata
Iba't-ibang palamuti
Ating isabit sa puno
Buhusan ng mga kulay
Tambakan ng mga regalo
Tumibok-tibok, suminok-sinok
Huwag lang malundo sa sabitin
Pupulupot-lupot
Paikot nang paikot
Koronahan ng palarang bituin
Dagdagan mo pa ng kendi
Ribon, eskosesa't guhitan
Habang lalong dumadami
Regalo mo'y dagdagan
Kumukutikutitap, bumubusibusilak
Ganyan ang kurap ng mga bituin
Tumitibok-tibok, sumisinok-sinok
Koronahan mo pa ng palarang bituin
Dagdagan mo pa ng kendi
Ribon, eskosesa't guhitan
Habang lalong dumadami
Regalo mo'y dagdagan
Kumukutikutitap, bumubusibusilak
Ganyan ang kurap ng mga bituin
Tumitibok-tibok, sumisinok-sinok
Koronahan mo pa ng palarang bituin
Wednesday, March 7, 2007
Kumukutikutitap
Posted by joyce at 9:44 AM
No comments:
Post a Comment